Friday, October 07, 2005
bagong blog. yey!!! may bgo nkong blog...salamat tlga ky joyce...ambait-bait tlga nia...d kc ako maxadong marunong pgdting sa mga html thingy...buti n lng at andyan c joyce...salamat tlga ng marami...
lay-out. d ko inaasahan n fullmetal ung mgiging skin ng blog ko...nagulat tlga ako...super peyborit ko kc 2 eh...naadik n nga kmi ni mareca...kya pla tnatanong ako ni joyce kng anong peyborit anime ko...hehe...salamat tlga kay joyce...^_^.
school. haaay naku napagod lng ako knina...nung umaga ng-ayos ng upuan (pro dhil ako ay pasaway wla pa ring design ung arm chair ko hehehe...) tpos umatend ng mass (sulat ko ung recessional song n nsa acetate knina.^_^.) sa hapon ng-linis ng rum(ako ung dun sa blakbord)kakatamad tlga...tpos pg alang magawa kmi ay ngba-volleyball... tpos nung uwian diretso sa sm pra mg-DMX... hay.. sobrang exhausted tlga ako... pro ok lng msaya nman eh.^_^.
reverse creation. ng-praktis kmi bgo mg-uwian at dhil cguro sa pgod ay mainit ang ulo ng mga tao... ung iba inaantok, ung iba nman ala sa mood...kya un alang ngyari dun sa praktis nmin...ala kcing seryoso...worse my mga ng-away p...pro dhil inaantok ako knina kya nde ko nlng cla pnakeelaman...sbi nga ni howell
"ng-divided into nations n tau"...sna ay mgkaayos-ayos n kmi at sna mging mganda ung klalabasan nung choral reading...
c joyce ng-post nito.Kahit ibigay pa sa kin ng Diyos ang isang perpektong tao, mas pipiliin ko pa rin yung mahal ko. 'Yan ang sabi ko sa 'yo nung minsang napag-usapan natin ang mga love life natin. Pareho tayo ng pag-iisip sa bagay na ito. Pareho tayong naniniwala na meron ngang tao na nilaan para lang sa atin. Dati, akala ko ikaw na 'yon. Ngayon ko lang naiisip na baka nga hindi talaga tayo para sa isa't isa.
Kung aalalahanin ko lahat ng dinaanan ko dahil sa iyo, mapapabuntung-hininga na lang ako. Sabi ko nga, mahirap maging kaibigan mo, pero mas mahirap na mahalin ka at maging kaibigan mo lang. Bilang kaibigan, kailangan kong ipakita ang suporta ko sa lahat ng gusto mong gawin. Kailangan ipakita ko na masaya ako tuwing masaya ka. Kailangan ipakita ko na natutuwa ako sa mga kakiligan mo kapag kasama mo siya. Kailangan nakangiti ako kahit malungkot ako. Lahat nang ito ginagawa ko dahil gusto kong malaman mo na tunay akong kaibigan. At dahil mahal kita. Kung pwede nga hindi na ako magpapakita sa yo para lang hindi ako masaktan. Pero mahal kita. Para sa akin, ito lang ang dahilan kung bakit hindi ako umaalis sa tabi mo. Para sa akin, ito lang ang dahilan kung bakit hindi ako nawawalan ng pag-asa sa 'yo.
Pero ngayong napapaisip ako, hindi lang naman kalungkutan ang dinala mo sa akin. Ang ganda rin pala ng pagkakaibigan natin. May mga araw na kapag magkasama tayo, tawa lang tayo ng tawa. Siguro weirdo talaga tayo pareho, magka-wavelength. May mga araw naman na sobrang seryoso ng usapan. Tungkol sa mga problema sa pamilya, mga prinsipyo sa buhay at mga pangarap na gusto nating abutin. Pero may mga araw rin na wala kang kakwenta-kwentang kausap. Yun yung mga beses na kahit tahimik lang, ok na para sa atin.
Kapag kasama kita, sobrang kumportable ako. Kaya kong maging ako tuwing kasama kita. Kaya kong sabihin lahat-lahat at ipakita ang buong pagkatao ko sa yo dahil alam kong tatanggapin mo pa rin ako bilang kaibigan.
Ito ang hindi ko nakita noon. Dahil sa pagkabulag ko sa pagmamahal ko sa 'yo, isinumpa ko ang pagkakaibigan natin. Lagi kong naiisip na kaibigan lang kita. Hindi ako nagpasalamat sa pagkakaibigan natin. Ngayon lang ako natutuwa na kahit papaano, kaibigan kita. Masaya ako na dumating ka sa buhay ko, kahit para maging kaibigan ko lang. Isa ka sa mga biyaya na ibinigay sa akin at nagpapasalamat ako dahil dito. Masaya ako dahil kaibigan kita at dahil namamamahal kita ng ganito. Siguro nga hanggang dito na lang ang pagmamahal ko sa iyo. Hanggang kaibigan na lang.
Kahit ibigay pa sa kin ng Diyos ang isang perpektong tao, mas pipiliin ko pa rin yung mahal ko. 'Yan ang sabi ko sa iyo. Sabi ko sa iyo mas pipiliin pa rin kita. Na kahit sino pang mas gwapo, mas matalino, mas mabait, o mas may prinsipyo pa ang dumating sa buhay ko, ikaw pa rin. Kung gugustuhin mo lang, ikaw pa rin. Ikaw pa rin. 'Yan ang sabi ko sa iyo. Bingi ka lang. Manhid pa.
Siguro nga hindi talaga tayo para sa isa't isa.

♥ain't your doll;
2:05 PM
|